May sapat na kakayahan ang Pilipinas na ipagtanggol ang sarili sa digmaan dahil kaya nitong gumawa ng mga armas.

Sa pagdinig ng Senate Special Defense Economic Zone Act, lumabas na 30 porsiyento lang ng 60 milyong balang gamit ng militar ay inaangkat mula Brazil, South Korea, at Spain. Ang 70 porsiyento ay gawa ng mga lokal na kumpanya.

Ayon kay Senador Win Gatchalian, ang isa lamang sa magiging problema ay ang pag-import ng mga panguhing sangkap sa paggawa ng bala.

Aniya, ang kailangang lang gawin ng Department of National Defense (DND) ay magtatag ng isang econoomic zone sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na nakalaan sa paggawa ng armas at bala.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“We also want to see a detailed plan of action and timetable needed for the creation of the ecozone. This experiment will cost about P3 billion over five years so we have to make sure that it will be sustainable,” sabi ni Gatchalian.

-Leonel M. Abasola