IPINAGKALOOB ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Catanduanes ang P592,500 halaga ng mga kagamitan para sa 1,111 magsasaka na bahagi ng tatlong agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs), upang makatulong sa kanilang hanap-buhay.
Sa turn-over ceremony sa Agrarian Information & Marketing Center sa Datag, San Andres, Catanduanes, ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform, sa pamamagitan ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP), ang nasa 120 stripping device, 120 tuxying knife, 120 hole digger at mga bolo para sa rehabilitasyon ng abaca, pagpopoproseso at pabebenta nito sa BisCab Multi- Purpose Coop (BMPC), Batong Paloway Agrarian Reform Multi-Purpose Coop (BAPARCO), at Hicming Farmers Association (HIFA).
“Catanduanes remains to be the top abaca-producing province not only in the Philippines but in the whole world,” pahayag ni Catanduanes chief Alexander T. Teves. “Paghag-ot or abaca stripping is one of the main sources of livelihood of farmers who devote their farms to abaca production which thrive mainly in these parts of the world. Different handicrafts are made out of the sturdy abaca strip,” dagdag pa niya.
Malaki ang pasasalamat ng iba’t ibang agrarian reform beneficiaries organizations sa probinsya sa ipinagkaloob na kagamitan lalo’t hindi lamang umano ito magpapalakas ng kanilang produksiyon kundi magpapagaan din ito sa kanilang trabaho.
Kasama ng Abaca Rehabilitation Projects ng Department of Agrarian Reform at ng iba pang ahensiya, tiwala ang ahensiya na sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa handicraft-making at paggawa ng iba pang produkto ay makakamit ng agrarian reform beneficiaries organizations ang nais nito na magkaroon ng pangmatagalang pangkabuhayan at magpakakakitaan hindi lamang para sa kanilang pamilya kundi para na rin sa pagpapaunlad sa komunidad na kanilang kinabibilangan.
-Department of Agrarian Reform