NAGSIMULA na ang opening of classes sa maraming eskuwelahan sa bansa last June 4, kaya tamang-tama naman ang muling pagsabak ni Myrtle Sarrosa sa school tour bilang brand ambassadress ng isang sanitary pad.

myrtle

Para sa ikatlong taon, muling nag-renew ng kontrata si Myrtle bilang endorser ng Sisters sanitary napkins.

“Excited na po ako, at thankful sa Megasoft, dahil babalik na ako sa ‘school is cool tour’, na advocacy po ng company,” sabi ni Myrtle. “Masaya po ako dahil kung dati ay may 30 schools lamang ang napuntahan ko, ngayon po, sabi ni Big Sister Aileen (Choi-Go, Megasoft VP for Sales and Marketing), sa tour namin makakasama na ang mga state universities and colleges.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon kay Ms. Aileen, mismong ang state universities and colleges ang nag-iimbita sa kanila dahil cool daw ang kanilang advocacy, bukod sa gusto rin nilang ma-enjoy naman ng mga mga estudyante ang fun-filled educational events na ibinibigay nila. Kasama na rito ang pagbibigay nila ng recognition sa outstanding students and teachers sa ngayon ay umaabot na ng 50 schools.

Mas desidido si Myrtle na balikan ang kanyang adbokasiya, na hindi niya nalimutang gawin kahit noong nag-aaral pa siya ng Communication Arts sa University of the Philippines-Diliman, kung saan nagtapos siyang cum laude.

Inayos na nga ng Megasoft ang schedule ni Myrtle dahil may ginagawa siya ngayong movie, ang fantasy-comedy na Wander Bra, na gaganap siyang superhero, kasama sina Zeus Collins at Cacai Bautista, for Blue Rock Productions.

Pipirma rin si Myrtle ng contract sa Regal Films, at may gagawin din siyang TV series, ang Bachelorette sa Cignal TV, with Edgar Allan Guzman.

Pinasok na rin ni Myrtle ang business, at ngayon ay may sarili na siyang branch ng Potato Corner sa Mandaluyong City. Plano rin niyang magsimula ng food and beverage store.

Samantala, natawa si Myrtle nang usisain tungkol sa ex-boyfriend niyang si Bryan Llamanzares, anak ni Senator Grace Poe-Llamanzares.

“Tanggap na po namin na masaya na kami sa buhay namin. May idine-date po akong non-showbiz, kaya lamang very private niya, hindi ko po puwedeng sabihin ang name niya,” sabi ni Myrtle.

June 13 magsisimula ang “2018 Megasoft School is Cool Tour” ni Myrtle sa Atimonan National Comprehensive High School sa Quezon, at 9:00 am; at sa Gumaca National High School, 2:00 pm. Nasa Sto. Tomas, La Union din si Myrtle sa July 19 para sa 2nd Sanglao Festival, at sa Waltermart Tarlac sa July 21.

-NORA V. CALDERON