Anim na drug personality, kabilang ang isang high-value target level 2, ang nalambat ng awtoridad sa magkahiwalay na buy-bust at anti-illegal drugs operations sa Muntinlupa City, nitong Sabado.

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), unang naaresto at nahulihan ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu ang mga suspek na sina Rose Ann Gomez y Garcia, alyas Meng, 28; at Ed Vicente Pagkalinawan y Garcia, alyas Utoy, 29, sa PNR Site, Barangay Bayanan ng lungsod, dakong 2:30 ng madaling araw.

Nadakip naman ng pinagsanib na puwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Southern District ang suspek na si Maria Cherry Argame y Ducalang, alyas Cherry, 46, sa buy-bust sa kanyang bahay sa Block 26 Lot 16, Phase 4 Southville 3, sa Bgy. Poblacion ng nasabing lungsod.

Kabilang si Argame sa drugs watch list ng SPD at narekober sa kanya ang tatlong pakete ng umano’y shabu;P200 buy-bust money; at isang pitaka.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nasamsaman din ng umano’y shabu at drug paraphernalia si Kurt Tan y Ressurection, alyas Kert, 43, ng P4 Mainroad Southville 3, Bgy. Poblacion sa PNR Site, Bgy. Bayanan, bandang 5:35 ng hapon.

Naaresto naman ng SDEU at PDEA Southern District sa buy-bust operation sina Jeruz Cerilla y Belicano, alyas Jherot, 34, high value target level 2 drug personality; at Diana Zaragoza y Mozo, alyas Diana, 34, sa Tepaurel Compound, sa Bgy. Putatan, dakong 6:30 ng gabi.

Narekober kina Cerilla at Zaragoza ang walong pakete ng umano’y shabu; P200 buy-bust money; isang wallet; isang digital weigt scale; at P1,000 cash.

Idiniretso ang mga suspek sa Muntinlupa City Police para imbestigahan at sampahan n g k a s o n g p a g l a b a g s a Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

-Bella Gamotea