TINANGGAP ni Gretchen Barretto ang sorry ng netizen na nag-upload ng video na mapapanood na nagtatawanan sila ng kanyang mga kaibigan habang may binabasang sulat mula sa isang nanghihingi ng tulong. Hindi buo ang in-upload na video.

Nakatanggap si Gretchen ng masasakit na salita. Nang mapanood ang buong video, doon lang nalaman na kaya nagtatawanan si Gretchen at ang mga kaibigay niya ay dahil hindi malinaw kung anong tulong ang gusto ng sender. Ayun, nag-sorry ang nag-upload at nag-share ng video.

Nag-Facebook at Instagram Live si Gretchen at nilinaw ang isyu. “We have made a proper apology to the Lady involved & our apology has been accepted” at “Here’s to remind us all that in life we can never please everyone NO MATTER HOW WE TRY.”

Kung marami ang agad nag-judge kay Gretchen at sa mga kaibigan niya, mas marami ang nagpadala ng words of encouragement at pasasalamat sa pagtulong nila sa mga nangangailangan, kahit sa mga taong hindi humihingi ng financial and medical assistance.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nag-post ng quotation card si Gretchen tungkol sa nangyari: “Never Waste Your Time Tring To Explain Who You Are To People Who Are Committed To Misunderstading You”

-NITZ MIRALLES