Hindi pa ligtas na mangisda sa karagatang bahagi ng ilang lugar sa Luzon kahit nakalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong "Domeng."

Ito ang ipinahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) matapos makaranas pa ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Central Luzon, Northern at Southern Luzon, gayundin sa Metro Manila.

Ayon sa PAGASA, ito ay dahil sa southwest monsoon na posibleng maranasan hanggang sa susunod na linggo.

Pinayuhan naman ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang publiko na mag-ingat sa posibleng landslide at pagbaha sa mga tinukoy na lugar.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

-Beth Camia