Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

1:00 n.h. -- Chelu Bar and Grill vs Marinerong Pilipino

3:00 m.h. -- Batangas vs CEU

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

PUNTIRYA ng Centro Escolar University at ng Marinerong Pilipino ang ikalawang sunod na panalo upang makasalo ng Go for Gold sa liderato sa pagsalang sa magkahiwalay na laban ngayong hapon sa 2018 PBA D League Foundation Cup.

Unang sasabak ang Skippers ganap na 1:00 ng hapon kontra Chelu Bar and Grill Revellers kasunod ang Scorpions kontra naman sa Batangas ganap na 3:00 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Tinalo ng Scorpions sa una nilang laban ang Revellers noong nakaraang Huwebes, 94-78, sa ilalim ng pansamantalang coach at kanilang general manager na si Derrick Pumaren.

Nilinaw ng dating University of the East coach na pansamantala lamang ang kanyang pag-upo bilang tactician ng Scorpions.

“Boss JJ Yap asked if I could be the coach and the general manager. Hindi naman ako makatanggi because it’s for the school,” pahayag ng veteran mentor.

Ang biglaang pagbibitiw ng dating coaches ng CEU na sina Yong Garcia at Egay Macaraya ang dahilan ng biglaang pagbabalik sa coaching ni Pumaren.

“Hopefully, we find a new coach so we’ll be able to run the team. Right now, we are keeping our cards close to our chest. But we are talking to some guys.”

“We are in a rebuilding process. I’ve only been running the team for two days because of the unexpected resignation of coach Yong, but it’s good that the players were able to adjust quickly,” aniya.

Sa kabilang dako, magsisikap namang bumawi ng Batangas sa natamong kabiguan sa kamay ng Scratchers sa opening noong Lunes.

Binubuo naman ng core ng koponan ng Technological Institute of the Philippines, tatangkain ng Skippers na masundan ang naitalang unang tagumpay kontra AMA Online Education sa pagsagupa nila sa Revellers na magkukumahog namang bumangon sa pagkabigong natamo sa kamay ng Scorpions.

-Marivic Awitan