Pasado na sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng isang programang pananaliksik na magsisilbing kaagapay ng pamahalaan sa pagkakaloob ng tamang nutrisyon sa mahihirap na mamamayan.

Layunin ng House Bill 7512, na inakda ni Rep. Rodante Marcoleta, na maitatag ang programang Barangay Integrated Development A p p r o a c h f o r N u t r i t i o n Improvement (BIDANI).

Sa ilalim ng panukala, m a k i k i p a g t u l u n g a n a n g pamahalaan s a mga s tate universities and colleges (SUCs) at maging sa community colleges upang makalikha ng pananaliksik na makatutulong na mapabuti ang nutrisyon at kagalingan ng mahihirap na Pilipino.

Bukod dito, makatutulong ang programa na maging produktibo at magkaroon ng opurtunidad na makakuha ng angkop na mga trabaho ang mahihirap na makapagpapabuti sa kalagayan ng kanilang buhay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Layunin din ng BIDANI na magsilbing “comprehensive m o d e l f o r c o u n t r y s i d e development programs, which makes nutrition as an entry point, an ultimate goal and objective, and an indicator and a measure of development. It is a strategy to combat malnutrition, insufficiency of food, social deprivation and poverty alleviation.”

-Bert de Guzman