Sinabi ng human rights watchdog na Karapatan na dapat nang tigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabanta ng emergency rule at martial law sa country.

“Amid the worsening human rights situation and climate of impunity in the Philippines, Duterte’s threats to impose a state of national emergency or nationwide martial law will only foment a situation of greater unpeace,” sinabi ni Karapatan secretary general Cristina Palabay.

Idiniin ng Palabay na hindi lamang pabagu-bago ng posisyon si Duterte sa maraming isyu, mula sa libreng pabahay sa mahihirap hanggang sa implementasyon ng totoong reporma sa lupa, kundi wala ring makabuluhang natamo sa loob ng dalawang taon niya sa puwesto.

Sinabi ng Karapatan na ginagamit ni Duterte ang Malacañang bilang pulpito ng pambu-bully at entertainment center para buyuin ang mga tao na makuntento, gamit ang kanyang tasteless, mahahaba at walang katuturang talumpati, “kiss-me” gimmicks at props para sa kanyang mga patutsada.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Palabay na ang mga pahayag kamakailan ni Pangulong Duterte at ng kanyang tagapagsalita na si Harry Roque tungkol sa posibilidad ng pagdedeklara ng state of national emergency, martial law o “radical changes” para labanan ang kriminalidad o droga ay mga diversionary stunt dahil nabigo siyang tuparin ang kanyang mga ipinangako na wakasan ang labor-only contractualization, itaas ang national minimum wage, bawasan ang buwis at sugpuin ang kriminalidad sa loob ng anim na buwan sa kanyang administrasyon.

Sinabi ng grupo na “such threats of Duterte should be vigorously opposed, with his propensity to walk the talk when it comes to using state violence and terror and further promote his thuggish and anti-people governance.”

“The numerous cases of human rights violations in Mindanao during the one-year implementation of martial law is testament to the disastrous impacts of Duterte’s pandering to military rule,” dagdag ni Palabay.

Noong Mayo 23, 2017, nagdeklara si Duterte ng martial law sa Mindanao, bilang tugon sa krisis sa Marawi City.

Simula noon hanggang nitong Mayo 23, 2018, naidokumento ng Karapatan ang 49 na biktima ng extrajudicial killings (EJKs) sa Mindanao, na may average ng isang biktimang napapatay kada linggo.

“We join progressive groups and broad formations in opposing Duterte’s tyrannical rule, as we continue to remain vigilant on the forms of repression employed by the government. We will march with the Filipino people on June 12 to uphold and defend people’s rights,” diin ni Palabay.

-Chito Chavez