KINIKILALA ng Baguio City gove rnment ang ma l aking karangalang idinulot sa Summer Capital of the Philippines ng pagkakahirang dito ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang Creative City.
Matapos kilalanin bilang isa sa UNESCO Creative Cities Network noong huling bahagi ng nakaraang taon, itinampok ng pamahalaang lungsod ang kahusayan sa sining ng mga taga-Cordillera sa Baguio Creative Exhibit Hub sa People’s Park, Baguio City noong Pebrero.
Unang proyekto ng Baguio Creative Council, at suportado ng city government, ang Baguio Creative Hub ay nagbigay-pugay sa husay at talento ng mga Baguio-Cordilleran Artists dahil sa pagkakaloob nito ng karangalan sa siyudad.
A n g p a g l u l u n s a d s a B a g u i o Cr e a t i v e Hub ay isa sa major highlights activities ng 23rd Panagbenga Festival ngayong taon.
I t i n a m p o k s a may 20 pavilion-like s t ruc tur e s ang mga maipagmamalaking obra-maestra ng mga artist sa rehiyon, malilikhaing produkto, a t g a yundi n a n g animations at cultural dances.
Bumida sa Creative Baguio Exhibition ang metal arts and c r a f t s , s culptur e , t e x t i l e /we a v i n g , bamboo/rattan craft, at literary arts.
Pinasinayaan din sa unang bahagi ng taong ito ang Baguio Creative City official logo, na iginuhit ni National Artist for the Visual Arts Benedicto Cabrera, o mas kilala bilang BenCab. Isa sa mga paboritong dayuhin sa Baguio ang kanyang BenCab Museum.
-Sinulat at mga larawang kuha ni RIZALDY COMANDA