HANDA na buong lungsod ng Baguio para sa pagsasagawa ng Batang Pinoy National Finals sa Setyembre.

Ikinatuwa ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang pagsasagawa ng presitihiyosong multi sports event na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon sa Alkalde, malaking tulong para sa turismo ng siyudad ang pagsasagawa ng mga sports event na tulad ng Batang Pinoy.

“Malaki ang pasasalamat namin aa PSC dahil sa pagpili at pagsasagawa ng mga sports event dito sa Baguio. We are very grateful to the entire PSC board and especially Kay chairman William Ramirez for considering the city of Baguio pagdating sa mga ganitong events,” ayon Kay Domogan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kamakailan lamang nang isagawa sa lungsod ang Luzon leg finals ng PSC Pacquiao na ginanap sa Malcolm Square Park.

Sa nasabing lalawigan din nag eensayo ang karamihan sa mga atleta na pambato ng bansa lalo na sa boxing at track and field dahil sa malamig na klima.

Inaasahan naman na dadagsa ang kabataan atleta na lalahok sa National Finals ng Batang Pinoy, kung saan bitbit ang pangalan ng kanilang mga Local Government Units.

-Annie Abad