Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na magpapatawag ng pagdinig ang Senate Committee on Finance para malaman kung ano ang puwedeng alternatibo sa Tax Reform for Inclusion and Acceleration (TRAIN) law pero iiginiit na hindi ito puwedeng ipatigil.

“Magandang pag-aralan [kung] alin bang probisyon ang sa tingin nila excessive at kailangang isuspindi kasi may mga probisyon kami dun na puwedeng isuspindi. Yung provisions lang ha, hindi yung buong TRAIN. Ngayon kung hindi maganda eh di i-take up natin ang TRAIN 2 amyendahan natin, example yung VAT sabi ibaba o eh ‘di ilagay natin sa TRAIN 2 gawin nating 10%. Kasi may mga dating hindi nate-take up ngayon napag-uusapan,” ani Sotto

-Leonel M. Abasola
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji