Nasa 3,000 scholarship slots ang inilaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Mindanao para sa libreng pagsasanay.

Ayon kay TESDA Director General Aguiling Mamondiong, layunin nitong matulungan ang mga miyembro ng MILF at MNLF na maiangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng libreng kasanayan.

Aniya, malaking tulong din ito upang mabigyan sila ng pagkakataon na magtrabaho, kabuhayan at aktibong makalahok sa iba’t ibang development programs ng gobyerno.

"The target beneficiaries are the MNLF and MILF in ARMM communities to empower and uplift their lives along with others belonging in the marginalized sectors through employment and livelihood opportunities," ani Mamondiong.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kabilang sa target beneficiaries ay ang 1,000 MILF at MNLF mula sa Lanao del Sur; 1,000 sa Maguindanao; at 1,000 naman buhat sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, at Zamboanga.

Aniya, ang programang ito ay iniaalok din sa grupo na Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

"Ang programang ito ay ibinibigay natin sa mga kapatid n a t i n g CPP-NPA armed combatant," sabi pa nito.

-Bella Gamotea