Inaresto habang bumabatak umano ng ilegal na droga ang tatlong lalaki sa Las Piñas City, nitong Sabado ng hapon.

Nakakulong ngayon sa Las Piñas City Police ang mga suspek na sina Jolito Buenavista y Aguirre; Joel Iglesia y Bernardino at Joven De Los Santos y Albaniel, pawang nasa hustong gulang at nakatira sa Barangay Zapote ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), nakatanggap ng sumbong ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 mula sa isang concerned citizen kaugnay ng nagaganap na pot session sa Banana Island, Bgy. Zapote, bandang 12:30 ng hapon.

A g a d n a g s a g a w a n g beripikasyon sina PO3 Andrew Reamico at PO1 Peter Nakar sa nabanggit na lugar at nadatnan umanong gumagamit ng droga ang mga suspek at sabay-sabay dinampot.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nasamsam sa mga suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu; dalawang bukas na pakete ng umano’y shabu; dalawang nakabalot na aluminum foil o improvised tooter; isang aluminum foil strip na may bakas ng umano’y shabu; at isang disposable lighter.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 13, 14 at 15 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

-Bella Gamotea