Inaresto ng awtoridad ang tatlong katao, kabilang ang isang estudyante, matapos masamsaman ng mahigit P6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkakahiwalay anti-illegal drugs operations Cebu City, nitong Sabado ng hapon.
Ayon kay Police Regional Office 7 (PRO7), ang unang operasyon ay isinagawa sa Sitio Kamansi, Barangay Mambaling kung saan naaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina Pejay Villanueva at Henry Santillan Tabalin.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang malaking pakete ng umano’y shabu na aabot sa 500 gramo.
Napag-alaman na matagal nang sinusubaybayan ang dalawang suspek dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Arestado naman si Riza Mae Cabigon, 18, computer programming student, ng Sitio Riverside, Bgy. Duljo Fatima, matapos mahulihan ng mahigit P1milyong halaga ng umano’y shabu.
Nakuha ng awtoridad ang tatlong malalaking pakete ng umano’y shabu na may bigat na 85 gramo.
S a ngayon, patuloy na iniimbestigahan si Cabigon at nakatakdang sampahan ng kasong illegal possession of drugs.
-Fer Taboy