LIMA (AFP) – Sinimulan ng prosecutors sa Peru nitong Lunes ang imbestigasyon sa tatlong dating pangulo na tumanggap ng mga suhol na ipinalabas bilang campaign funds mula sa Odebrecht, ang Brazilian construction giant na nasa sentro ng political scandals sa Latin America.

Sina ex-presidents Pedro Pablo Kuczynski, Alan Garcia at Alejandro Toledo ay pawang tumanggap ng undeclared campaign contribution kapalit ng mga pangako sa Brazilian construction giant na mananalo ng mga kontrata, sinabi ng prosecutors.

Binuksan ni Prosecutor Jose Domingo Perez ang preliminary investigation sa money laundering laban sa trio, at tatlo pang indibiwal na malapit sa kanila, inihayag ng kanyang opisina.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina