BOCAUE — Matikas na nakihamok ang Perlas Pilipinas, ngunit kinapos sa huling ratsadahan, 12-10, laban sa Germany nitong Biyernes sa 2018 Fiba 3x3 World Cup sa Philippine Arena.

Dikit ang laban mula simula, subalit nagmintis ang Perlas Pilipinas sa krusyal na sandali na nagdala sana sa laro sa overtime.

Naidikit ni Afril Bernardino ang iskor sa 10-11, subalit sumablay ang kanyang jump shot sa kaliwang korner na naging daan sa panalo ng German.

Naisalpak ni Luana Rodefeld ang apat na puntos, kabilang ang krusyal na 15-foot jumper para sa dalawang puntos na bentahe ng Germany sa huling dalawang minute.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nanguna si Bernardino na may anim na puntos, habang umiskor si Gemma Miranda ng dalawang puntos. Sunod na makakaharap ng Perlas ang co-leaders Spain at Hungary.

Iskor:

GERMANY (12) — Rodefeld 4, Zdravevska 4, Bruns 3, Muller 1.

PHILIPPINES (10) — Bernardino 6, Miranda 2, Animam 1, Pontejos 1.