SINGAPORE (AP) — Hinarang at kinuwestiyon ang impersonator ni North Korean leader Kim Jong Un sa pagtapak nito sa Singapore nitong Biyernes, ilang araw bago ang nakatakdang summit sa pagitan nina Kim at Pangulong Donald Trump sa nasabing bansa.
Ayon kay Howard X, hinarang siya ng mga pulis sa Changi Airport at dalawang oras na kinuwestiyon bago siya pinakawalan. Aniya, sinabi sa kanya na hindi siya maaaring pumunta sa Sentosa Island at sa Shangri-La Hotel kung saan inaasahang tutuloy ang dalawang pinuno.
Nilinaw naman ng mga awtoridad na, “As part of the immigration clearance process, travelers to Singapore may be subject to additional interviews and/or screening. These procedures are conducted at all Singapore’s checkpoints.”