Nakumpleto na ang P179.6-milyon proyekto ng Quezon City government bilang paghahanda sa kalamidad, kasunod ng atas ni Mayor Herbert Bautista sa engineering department na masusing inspeksiyunin ang mga flood wall sa siyudad.
Sinabi ng alkalde na saklaw ng inspeksiyon ang mga retraining wall, ang pagpapalalim sa mga daluyan, at pagsasaayos ng mga kanal para maiwasan ang baha ngayong tag-ulan.
Nabatid na naikasa na ng siyudad ang flood control makaraang makumpleto ang 17 waterway infrastructure projects sa nakalipas na mga buwan. - Jun Fabon