Ni Analou de Vera

Hinikayat ng World Health Organization (WHO)-Philippines ang ilang indibiduwal na dumaranas ng problema sa pag-iisip, na kumonsulta sa doktor o humingi ng suporta mula sa kanilang pamilya.

Ang nasabing panawagan ay kasunod ng pag-aaral na inilabas ng WHO na karamihan sa mga indibiduwal na tinukoy na may depresyon ay nakadarama ng biglaang lungkot at pagkabalisa, pawang negatibo ang naiisip, at nakakaisip na magpatiwakal na mahirap labanan.

Payo ng WHO sa may depresyon, makabubuting makipag-usap sa isang mapagkakatiwalaang miyembro pamilya o isang malapit na kaibigan upang maihinga ang mga himutok at nararamdaman.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“Talk to a professional, such as a doctor, mental health professional, counselor, or social worker. If you think you are in immediate danger of harming yourself, contact the emergency services or a crisis line, or go there directly,” payo ng WHO.

Bukod dito, ipinayo rin ng WHO sa mga indibiduwal na dumaranas ng problema sa pag-iisip na maaari ring makipag-usap sa pinagkakatiwalaan nilang religious community kaugnay ng kanilang nararamdaman.

“Having an episode of self-harm or suicidal thoughts or plans is a sign of severe emotional distress (perhaps as a result of the loss of a loved one, loss of employment, relationship break-up, or experience of violence or abuse). You are not to blame and it can happen to anyone,” dagdag pa ng WHO.

Ipinaliwanag pa ng grupo na suicide ang ikalawang pinag-uugatan ng pagkamatay sa mga indibidwal na may edad 15-29; at aabot sa 800,000 katao ang binabawian ng buhay sa pagpapakamatay kada taon sa buong mundo.