Ni Merlina Hernando-Malipot

Pinaalalahanan ni Education Secretary Leonor Briones ang lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa na “prioritize the safety and well-being of learners at all cost” kasabay ng deklarasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng pasisimula ng panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Briones ang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Service mula sa Central Office, DRRM Units ng Regional at Schools Division Offices, at ang mga school head at DRRM ang, “shall lead the preparations and implementation of precautionary measures to mitigate the impacts of the rainy season.”

POLICY REMAINS

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Ipinunto rin ni Briones na sa pag-aanunsyo ng suspension ng klase dulot ng masamang lagay ng panahon, mananatili ang polisiya ng DepEd na, “classes in affected areas are automatically suspended based on the PAGASA declared storm signals, while local government units (LGUs)—not DepEd—decide on and announce class suspensions within their areas of jurisdiction during calamities in the absence of a storm signal.”

Maaari namang magdeklara ng suspensyon ng klase ang mga pinuno ng paaralan at mga LGU kung masungit ang panahon, depende sa sitwasyon ng mga lugar kung saan walang itinaas na storm signal ang PAG-ASA.

Inulit din niya ang mga polisiya sa automatic suspension ng klase na katulad pa rin ng dati.

SAFETY FIRST

Nanawagan din si Briones sa mga magulang na, “practice their discretion” sa pagdetermina ng lagay ng panahon kung dapat pumasok ang kanilang mga anak sa panahon ng bagyo, baha at iba pang kalamidad, sa kabila ng kawalan ng anunsiyo ng suspension ng klase.