SA kabila ng busy schedule ni Alden Richards sa taping ng bago niyang action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol, nagawa pa niyang mag-guest sa iba pang shows sa Kapuso Network.  

Ngayong Linggo, muling gagampanan ni Alden ang role ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal sa fantasy-family drama series na Daig Kayo Ng Lola Ko, hosted by Ms. Gloria Romero. Tamang-tama ang episode para sa Philippine Independence Day celebration ng show.  

Taong 2014 nang unang ginampanan ni Alden ang role ni Rizal para sa docuserye na Ilustrado.

“Natutuwa po ako kapag nabibigyan ako ng ganitong trabaho na magpapakita ng panahon ng ating mga bayani,” sabi ng Pambansang Bae. “Kaya nang malaman kong ito naman ang gagawin ko sa Daig Kayo Ng Lola Ko, hindi ako tumanggi. Kaya from taping ko ng Victor Magtanggol ay tumuloy ako ng Bulacan para sa taping namin nito.”

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Matatandaan na si Alden din ang napisil para gumanap na Boni Ilagan sa docu-drama na Alaala: A Martial Law Special, na nakatanggap na ng dalawang international awards.

This time pang-millennial  ang episode, titled Pepe and the Werpa Kids. Magta-travel ang mga bata pabalik sa 1869 at makikilala nila si Jose “Pepe” Rizal. Makakasama ni Alden ang mga teen stars na sina Zymic Jaranilla at Mona Louise Rey bilang sina Thirdy at Kristine, respectively. 

Malalaman ng mga bata kung paano ipinaglaban ni Pepe ang kalayaan ng Pilipinas laban sa mga mananakop at mananaig ang kagustuhan nilang mailigtas si Pepe. May aral din na iiwan si Lola Goreng (Gloria) sa mga batang manonood.

Sa direksiyon ni Rico Gutierrez, mapapanood ang Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo, June 10, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA 7. - Nora V. Calderon