Apatnapu’t apat na katao, kabilang ang anim na crew members, ang nasagip sa tumaob na bangka sa Dinagat Island sa Surigao del Norte nitong Biyernes, ayon sa Philippine Coast Guard.

Tumaob ang "Danrev Express" sa Dinagat Islands sa pagitan ng Poblacion Rizal, Basilisa, Province ng Dinagat Islands at Danawan Island, Surigao del Norte, ayon sa Coast Guard.

Sa imbestigasyon, habang naglalayag ang bangka mula sa Poblacion Rizal, Basilis patungong Surigao City ay napigilan ito ng isang kahoy na naging sanhi ng butas at tuluyang tumaob.

Agad rumesponde ang search and rescue unit ng Coast Guard Sub-Station Roxas, matapos makatanggap ng report mula sa isang Carolina Echin.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pagdating sa lugar, ayon sa Coast Guard, ilan sa mga pasahero ang nagtangkay lumangoy mula sa bangka.

Nasagip ng grupo ang 38 pasahero at anim na crew members at inilipat sa ibang bangka. Sila ay ibinalik sa Bgy. Poblacion Rizal, habang ang iba ay sa Bgy. Roxas.

Walang sugatan sa nangyari, kinumpirma ng Coast Guard.

-Betheena Kae Unite