BEIRUT (AP) — Itinuturing na isa sa pinakamarahas na insidente sa bansa ngayong taon ang pagkasawi ng 35 katao at pagkasugat ng ilan pa, kabilang ang mga bata, sa isinagawang airstrike sa bayang sakop ng mga rebelde sa hilagang kanluran ng isang komunidad sa Syria.
Ayon sa Britain-based Syrian Observatory for Human Rights, umabot sa 44 na katao ang namatay sa pag-atake kaiba sa iniulat ng Syrian Civil Defense na 35.
Katatapos lamang umano ng pag-aayuno ng mga Muslim para sa Ramadan nang paulanan ng bala ang lugar.
Ayon pa sa Observatory, inaasahang tataas pa ang bilang ng nasawi dahil ilang biktima pa ang nasa kritikal na kondisyon.