(AFP) - Patay ang isang sundalo ng US habang apat pa ang sugatan sa isang pag-atake sa katimugang bahagi ng Somalia.
Naganap ang pag-atake sa Jubaland kung saan nagsasagawa ng clearing operation ang mahigit 800 puwersa ng Somali, Kenyan at tropa ng US sa bahagi ng Al-Qaeda-aligned Al-Shabaab fighters.
Sa pahayag ng isang US military’s Africa Command, iba’t ibang lahi ang “came under mortar and small-arms fire at approximately 2:45 pm Mogadishu time (1145 GMT), killing one US service member and injuring four US service members and one partner force member.”
Layunin naman ng misyon na “clear Shabaab from contested areas, liberate villages from Shabaab control and establish a permanent combat outpost designed to increase the span of federal government of Somalia security and governance,” ayon sa African Command.