Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong halal na punong barangay sa Central Visayas na manatiling tapat sa pagsisilbi sa kanilang mga nasasakupan.

Ito ang sinabi Duterte nang panumpain niya ang 2,633 bagong halal na barangay chairman, halos isang buwan makaraan ang unang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa kanyang talumpati, hinimok ni Duterte ang mga bagong halal na opisyal na suportahan ang pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa ilegal ba droga, kurapsiyon at kriminalidad.

“It’s not a threat, it’s just an advice. I am pleading that you are with government now kindly be one, or be responsible for your mandates sa taong-lungsod. We have a problem sa Pilipinas,” aniya sa kanyang talumpati nitong Huwebes ng gabi.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kinilala ni Duterte ang mahalagang papel ng mga punong barangay sa paglaban sa paglaganap ng ilegal na droga at pang-aabuso sa bureaucracy.

Gayunman, binalaan niya ang mga ito huwag makisangkot sa ilegal na droga.

Nauna nang sinabi ni Duterte na 40 porsiyento ng lahat ng punong barangay sa bansa ay sangkot sa bentahan ng ilegal na droga.

-Argyll Cyrus B. Geducos