May ‘sede vacante’ o kulang na obispo ang Simbahang Katoliko sa Pilipinas.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, sa kabuuan ay mayroong mahigit 140 obispo sa Pilipinas kabilang ang mga retirado, ngunit siyam na diocese pa ang walang nakaupong obispo hanggang ngayon.

Ang mga ito ay ang Butuan, Daet, Ilagan, Iligan, Isabela, Malolos, Military Ordinariate, San Jose de Antique at San Jose Mindoro.

Kaugnay nito, umapela si Jumoad sa mga mananampalataya na patuloy na manalangin para sa biyaya ng bokasyon at pagkakaroon ng mas marami pang obispo sa bansa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“It is the Rome that will decide. Let us pray and mag-response ang mga pari at mga obispo. That they will do their work immediately,” ani Jumoad sa panayam ng Radio Veritas.

-Mary Ann Santiago