Nagsanib-puwersa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Facebook para turuan ang overseas Filipino workers kung paano magtayo ng negosyo at manatiling ligtas sa Internet.

Opisyal na nagsosyo ang OWWA at Facebook Philippines sa idinaos na Migrant Worker’s Day para hikayatin ang OFWs na makikilahok sa digital marketing workshop at gamitin ang social media para mapalago ang kanilang maliliit na negosyo.

Layunin din ng programa na pagbutihin ang digital literacy ng mga OFW bago sila umalis ng bansa sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na maunawaan ang pangunahing kaligtasan sa online, makilala ang mga pandaraya at pekeng balita.

“It’s valuable to us in terms of making our OFWs and families better equipped to combat bullying, to identify fake news, and make their own value judgement or otherwise in terms of empathizing or working on any kind of information they receive through Facebook,” paliwanag ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

-Mina Navarro