Magandang balita sa mga motorista!

Muling magpapatupad ng big-time oil price rollback sa bansa sa susunod na linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tapyasan ng mahigit P1 ang kada litro ng gasolina at diesel, habang 40-55 sentimos naman ang babawasin sa kada litro ng kerosene.

Ang nagbabadyang price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis at pagdami ng supply nito sa pandaigdigang pamilihan.

Hunyo 3 nang nag-rollback ng P1.20 sa kada litro ng gasolina, P1 sa kerosene, at 90 sentimos naman sa diesel.

National

SILG Remulla, nakipag-areglo na sa lalaking hubad na natiketan sa Mandaluyong

-Bella Gamotea