Inilipat ng Japan ang nakumpletong US$ 4.55 milyon (P240-M) Marabut Municipal Hall project sa pamamahala ng gobyerno ng Pilipinas bilang bahagi ng kanyang Program for the Rehabilitation and Recovery from Typhoon Yolanda in 2013.

“Through this program, Japan helps the Philippines build a resilient society against natural disasters and achieve sustainable growth,” ipinahayag ng Japanese Embassy, kahapon.

Ipinaliwanang ng Japanese Embassy na ang program ay nagkakaloob ng ayuda para sa recovery at reconstruction sa mga lugar na apektado ng Bagyong Yolanda.

Ang 5th class at coastal municipality ng Marabut ay isa pinakamatinding tinamaan nang manalasa ang Super Typhoon Yolanda sa lalawigan ng Samar noong Nobyembre 3, 2013, na ikinamatay ng 6,300 katao.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Ayon sa Japanese Embassy, muling itinayo ang Marabut Municipal Hall para maghatid ng administrative services, palakasin ang functions ng evacuation centers sa lugar at tulungan ang mga biktima ng kalamidad na makabangon at maayos ang kanilang kabuhayan.

Nagpasalamat ang mamamayan ng Marabut sa pamumuno ni Mayor Elizabeth Ortillo at ni Interior and Local Government Provincial Director Judy Batulan sa gobyernong Japanese na kinatawan nina Embassy Second Secretary Shintaro Ichiki at Yoshio Wada ng Japan International Cooperation Agency.

-Roy C. Mabasa