PANAUHIN ni ‘Nay Cristy Fermin nitong Huwebes sa Cristy Ferminute ng Radyo Singko 92.3 News FM si Kris Aquino, at eksklusibong ikinuwento ng huli ang mga bagay na nagbigay-daan kung bakit nais na nilang tuluyang tuldukan ang ugnayan nila ni James Yap, ang ama ng bunso niyang si Bimby.

Kris copy

Ang pagkikitang ito nina Kris at Cristy ay nagsilbi ring reunion para sa kanila, dahil ilang taon din silang nagkasama sa programang The Buzz ng ABS-CBN noon, with Boy Abunda.

Sa panayam ni ‘Nay Cristy, binigyang-linaw ni Kris kung bakit muling nagkalamat ang relasyon nila ni James matapos silang magkasundo sa kustodiya kay Bimby, at kung bakit ayaw makipag-ugnayan ng kanyang bunso sa ama nito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Matatandaang ikinagalit nang husto ni Kris ang panayam kay James noong August 2017, nang sinabi nitong nangungulila ito kay Bimby dahil ramdam daw nitong mahirap isiksik ang sarili sa anak.

Ikinagalit din ni Kris ang ginawang pagbati ni James sa anak na idinaan sa social media noong huling birthday ni Bimby.

Ang term pa nga na ginamit ni Kris dito ay “nagwala siya” noong nabasa niya ang interview at ang post ni James.

Pahayag ng 47-year-old TV host/actress/celebrity influencer, “When you make zero effort to personally have a relationship with your child, you have no right to post about that child.

“And zero naman talaga, e. Hindi ko ipinagkait, eh. And alam mo, ayoko nang pahabain dahil... no, actually gusto ko.”

Kasunod nito, sumeryoso si Kris nang ikuwento niya nang minsang sigawan daw ni James ang kanilang anak.

Nangyari raw ito matapos manalo ni Bimby bilang Most Popular Child Performer sa 46th Guillermo Mendoza Box-Office noong June 2015, para sa pelikulang Praybeyt Benjamin.

“Sinigaw-sigawan mo ang anak ko, may witnesses ako,” simula ni Kris. “Ito ‘yung nagpa-block screening siya [ng pelikula] and nanalo si Bimb sa Guillermo and then I wrote the speech na paano magte-thank you, at in-include ko ‘yung tatay niya.

“Then sinabi ko na, ‘Gawa tayo ng ano para walang masabi sa atin.’ Minsan ganun, eh, ‘di ba? Para walang masabi sa ’yo.

“And then nung nag-uusap sila at magti-thank you sa kanya, naka-speaker phone. So, narinig ni Gerbel [Luntayao- Langha] and narinig ni Alvin [Gagui] kaya nagtatakbo sila.”

Si Gerbel ay dating yaya nina Bimby at Joshua, habang si Alvin naman ay right-hand man ni Kris.

“Nagsu-shoot ako nung time na ‘yun. Alalang-alala ‘ko dun sa BF [Homes, Parañaque], dun sa place ni JC de Vera. So, ang sinagot lang naman nung bata, and take note at this point, seven si Bimb, right? Praybeyt Benjamin to, eh. Ang sinagot nung bata, ‘You shouldn’t be thanking me, you should thank Mama because she was the one who told me to say thank you to you.’

“And then sinabihan siya na wala siyang karespe-respeto. Dahil nga bakit daw sinabihan siya at tinuruan siya na magpasalamat sa akin. Eh, sumagot ‘yung bata, ‘Because if I have my way, I wouldn’t say thank you to you because you cheated on my mom.’

“Diretso. E, seven years old, Nay,” kuwento pa ni Kris kay Cristy. “So lumagpas ‘yun kasi, in all fairness kay Mic [Michela Cazzola, James’s partner], she reached out. And she was good to the kids. Okay, so ako, I felt, ‘Why not,’ yung ano [maging civil].

“Kasi ito ‘yung problema. May YouTube. May YouTube na mapapanood mo na ‘yung lalaki, yung tatay mo sinisiraan ang nanay mo. Eh, unfortunately, ‘yung bata, hawak parati ang iPad, so lahat ng mga interview nung tatay, napanood at lahat ng mga nangyari sa nakaraan pati ‘yung mga masasakit na nasabi nung nanay, nung tatay, nung lola niya.

“So, alam mo, Nay, as far the child is concerned, ayaw na niya. And ‘yung isa naman, hindi rin naman talaga nag-try. Nag-try lang, ang last na ano was New Year papasok ang 2017.”

Naikuwento na rin ito ni James dati, na dapat noong papasok ang New Year ng 2017 ay magba-bonding dapat silang mag-ama ngunit nagkasakit at nag-40 daw ang temperature ni Bimby.

Naisugod daw ito sa St. Luke’s Medical Center, ngunit dito raw nagkaroon muli ng problema.

“I’m sorry, ha. Kung mababaw ‘to, pero inuna niyang pumorma. Sinugod nung mga guards at driver at yaya si Bimb ‘tapos siya nagbihis pa bago dalhin sa ER. Nag-40 ang lagnat nung bata dahil naggaga-gastro-enteritis at alam mong puwede mag-dehydrate.

“So, after that incident, sinabi ni Bimb—nagsumbong sa akin—na hinayaan daw na mauna na lang siya at hindi sinamahan. Sabi ko, ‘That’s it.’ Okay, and I said, I tried. I don’t think you can criticize me for not trying,” patuloy na kuwento pa ni Kris.

Kasunod nito, ikinuwento rin ni Kris na hindi niya talaga mapipilit ang anak sa mga gagawing desisyon nito dahil may sarili na itong pag-iisip.

“You know, he (Bimby) is so outspoken, that’s why ang dami ko in-edit, Nay. Kung alam n’yo lang po kung ano in-edit ng KCAP [Kris Cojuangco Aquino Productions] sa mga lumalabas sa bibig niya dahil sa mga vlog namin.

“And I’m sorry, I’m sorry, the child was the one who spoke, I was shocked.”

Ibinulgar din ni Kris ang labis niyang pagkadismaya sa dating mister dahil sinabihan daw nito si Bimby na magiging bakla.

“Tutal it’s LGBT [lesbian, gay, bisexual, and transgender] pride month, inakusahan niyang magiging bakla ang anak ko sa korte (custody hearing), dahil puro bakla daw ang nakapaligid sa akin.

“So, tumatak ‘yun kasi six years old na ‘yung bata nung panahon na ‘yun, at sinabi niya na, ‘Why is he judging me and what does he have against gay people?’ So, very clear ang message. So, dun ako nagwawala, as any mother, magwawala.

“And unfortunately… and I’m not allowed to talk about it anymore kasi settled na ‘yan at tapos na. Pero ito na lang ang last na sasabihin ko, parenting is also sharing. You don’t have to give us—or not us—you don’t have to give Bimb a big amount. But sa laki ng nakuha mo, socks ang iniregalo mo sa bata?

May parinig din si Kris na P40 million daw ang nakuha ni James sa kanilang hiwalayan.

“Tapos nung birthday… the last gift though was a Louis Vuitton backpack… 2016. April 2016 na birthday. Kasi, ‘di ba, nangampanya siya kay Mar [Roxas]? Eh, bayad siya dun, eh. So pinambili, thank you.

“So, there. That was the last. And under the compromise agreement, kung gusto kong gumawa ng gulo… nakalagay kasi dun na 50-50 sa education, eh. Kaso, hindi naman nagbibigay.

“Okay. Deadma na. As I said—and I would repeat this—God has blessed us tremendously. And the kid, the boy, si Bimb, is turning out to be a good kid… And ito yung kanya, he knows the importance of fidelity.

“And ito ngayon, ha. And I can say this now with no kaplastikan because kilala n’yo ako. I wish them well, I wish them happiness, because I don’t want them to bother us. Yun, ganun lang. Just do not bother my son, don’t mention my son, peaceful tayo lahat.”

-ADOR V. SALUTA