KABUL (Reuters) – Sa unang pagkakataon, nagpahayag ang Afghan Taliban nitong Sabado ng tatlong araw na ceasefire kaugnay ng pagdiriwang Eid, ito ay kasunod ng naunang pahayag ni Afghan President Ashraf Ghani na tigil-putukan nitong Huwebes.

Ayon sa mga militante, hindi kasama sa ceasefire ang puwersa ng mga dayuhan at magpapatuloy pa rin ang operasyon laban sa kanila.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung kailan magsisimula ang ceasefire ng Taliban, lalo’t ang Eid ay nagsisimula sa unang paglitaw ng buwan sa ika-29 o 30 araw ng Ramadan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina