WASHINGTON/SAN FRANCISCO (Reuters) – Ililipat ng U.S. authorities sa federal prisons ang 1,600 detainees ng Immigration and Customs Enforcement (ICE), sinabi ng mga opisyal sa Reuters nitong Huwebes. Ito ang unang pangmalakihang paggamit ng federal prisons para sa detainees sa gitna ng pagtutugis ng administrasyong Trump sa mga taong ilegal na pumapasok sa bansa.
Sinabi ng isang ICE spokeswoman sa Reuters na limang federal prisons ang pansamantalang paglalagyan ng detainees habang naghihintay ng civil immigration court hearings, kabilang ang posibleng asylum seekers, at isang kulungan sa Victorville, California, ang naghahanda para paglagyan ng 1,000 katao.
Sinabi ni Kevin Landy, dating ICE assistant director sa Office of Detention Policy and Planning sa ilalim ng Obama administration, na ang sabay-sabay na paglipat sa napakaraming detainees sa federal prisons ay “highly unusual” at “could result in some serious problems.”