MULING nag-live-feed sa Facebook account niya si Kris Aquino bago mag-6:00 ng gabi nitong Miyerkules para sagutin ang pagtanggi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson na mag-sorry sa kanya, makaraang igiit sa FB page nito na, “This is not about Kris Aquino.”

Kris copy

“So much has happened today, so many unexpected things. I’d just like to end this,” bungad ni Kris sa kanyang FB live.

Bago sumagot ang bunsong anak nina Ninoy at Cory Aquino ay ipina-play niya ang video blog ni Mocha na nagsabing hindi tungkol kay Kris ang isyu kundi tungkol sa balitang nilagyan ng malisya ang paghalik ni President Rodrigo R. Duterte sa babaeng OFW sa South Korea, na ikinumpara ng opisyal sa paghalik ng dalawang babae sa tatay ng Queen of All Media bago bumaba ng eroplano at mapaslang noong Agosto 21, 1983.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“You have a point, it’s not about me, it’s about my father. But, you have to accept this fact: laman at dugo niya ako. At karapatan ko na magsalita para sa kanya.

“Itinumbas sa gawain ng isang lider, sinong humalik? Ganu’n kasimple. I will not add further dahil hindi ko kagalit si Presidente Duterte. Hindi po ako nakisawsaw sa kahit anong isyu na bumabatikos sa kanya (Duterte).

“Ang sasabihin ko lang, uulitin ko, uulitin ko ‘yung words mo, gawain ng isang lider, ibabalik ko ang words sa ‘yo: sino ang humalik? End of issue!

“Sinasabihan mo ako na, ‘it’s not about me’. I’m sorry, when it’s about my mother and when it’s about my father, it will always about me. Kahit sinong anak, kahit sinong nanonood sa akin ngayon, ‘pag magulang na, hate man nila ako, sabihin man nila na there she goes again, but I think lahat, a-agree sa akin dahil lahat tayo, kahit anuman ang kulay natin, mahal natin ang mga magulang natin,” sabi pa ni Kris.

Ipinakita rin ni Kris ang live interview ng CNN kay Special Assistant to the President Bong Go sa presscon nito noong Miyerkules ng hapon, at natanong nga kung hihingi ng sorry si Mocha kay Kris.

Hindi sigurado si Bong Go kaya sinabi niyang mas mabuting si Mocha na lang ang tanungin. Gayunman, sang-ayon si Go na humingi ng paumanhin si Mocha kay Kris dahil sinabi mismo umano ni Pangulong Duterte na dapat na “respetuhin natin dapat ang patay”.

Binigyan-diin ni Kris ang huling pahayag ni Bong Go na, “Sang-ayon naman siya sa amin ni Pangulong Duterte, na mag-sorry. Klarong-klaro naman po ‘di ba, ‘yung video na napanood natin. Walang ka-sorry-sorry, boss na niya po ang nagsasalita. Sinasabi kong boss niya kasi nagtatrabaho siya sa Malacañang.Nag-post din si Kris sa IG: “Alam kong damned if you do, damned if you don’t ako, but I was brought up to recognize an ‘olive branch’ when it is being offered. Alam ko ‘yung mga natitirang LP will bash me & the DDS will never like me. Alam ko rin na sasabihan akong bakit ako nagpapauto.

“Pero ito ang pananaw ko. The most powerful man, President Duterte, affirmed my pain. When all his supporters have called me the most hateful names—the man who doesn’t say SORRY—inutusan ang kanyang pinaka-pinagkakatiwalaan na mag-relay ng SINCERE apology sa ‘kin. Anak akong nakipaglaban na bigyan ng respeto ang magulang kong patay na.

“Sa puso ko, naramdaman ko na ‘yun. So #carebears na po sa lahat ng babatikusin ako. In my critic’s words—this ‘media whore’ ‘bitch’ and ‘kulang sa pansin’ BINIGYAN ng panahon at importansya ng pangulo ng ating bansa. Pasensya na kung #BRAT ang tingin ninyo pero this was a #WIN for the memory of the 2 people I love—unfortunately for the HATERS, I am here to stay. #KAlevel.”

At dahil gusto na ni Kris na matapos ang isyu nila ni Mocha, sinabi niya: “I think I’ve done my share. I tried to reach out. I humbled myself. Alam mo ‘yung feeling na ikaw na ‘yung binato, pero ikaw pa ang nag-aabot ng kamay dahil gusto mong maayos ito.

“Mocha, I’ll end this, you’re right, this was not about Kris Aquino, this was a reminder that Filipinos still love and respect Cory and Ninoy Aquino.

-REGGEE BONOAN