KASABAY ng paglagda sa executive order na nagpatupad sa 911 bilang national emergency hotline number sa buong bansa, siniguro ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa publiko ang mas maayos na emergency assistance services na may kinalaman sa pag-iwas sa krimen, public order at kaligtasan ng publiko.

“We welcome President Duterte’s signing of Executive Order No. 56 because this reinforces the administration’s efforts to better serve the public by providing them prompt and efficient assistance in times of emergencies through hotline 911,” pahayag ni Año.

Inutusan na rin niya ang mga ahensiya ng gobyerno at LGU na nagbibigay ng paunang lunas na isama sa kanilang sistema ang 911 bilang nag-iisang emergency hotline number.

“Let us not confuse the public with many hotline numbers. As directed by the President, let 911 be the sole number for emergency assistance,” aniya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Tinawagan na rin niya ang mga pribadong kumpanya ng communication at telecommunication upang maibigay ang maayos na connectivity at integrasyon ng mga tawag para sa emergency hotline.

Nilagdaan ng Pangulo nitong Mayo 25 ang Executive Order No. 56 na nagtatatag sa emergency 911 hotline bilang pambansang emergency answering system, na pumalit sa dating Patrol 117.

Sa ilalim ng EO, ang DILG secretary ang magsisilbing chairperson ng Emergency 911 Commission na magsisilbing policy making body at mangangasiwa sa emergency national program, kasama ang kalihim ng Department of Information and Communication Technology bilang pangalawang pangulo.

Sa paglagda ng direktiba, hinikayat ni Año ang mga local government unit (LGU) na magtatag ng local 911 call centers sa kanilang lugar na mapupunta sa pamamahala ng National Call Center.

Sa ngayon, mayroong walong eight emergency call centers sa buong bansa na may 169 na empleyado na tumatanggap ng mga tawag sa 911. Ang pinakamalaking emergency call center ay matatagpuan sa Metro Manila habang mayroon din sa Cebu at Davao at sa mga lugar ng Bataan, Tarlac, Ilocos Norte, La Union, Puerto Prinsesa at Parañaque City na pinapatakbo ng mga LGU.

Samantala, nagbabala naman si Año sa publiko laban sa paggamit ng 911 sa hoax at prank calls dahil maaari silang kasuhan ng ahensiya lalo’t makakasagabal ang mga ito sa mga importanteng tawag na nangangailangan ng tulong.

-DILG PR/PNA