DALAWANG beses na mas mataas ang tsansang makaranas ng adiksiyon sa smartphone ang kababaihan kumpara sa mga lalaki, dahil mas gumagamit sila ng social networking at messaging services, ayon sa resulta ng pananaliksik na inilabas nitong Martes.

Ayon sa konklusyon ng study team mula sa Ewha Womans University sa Seoul, ang mga estudyanteng babae, na umiinom ng alak, at mayroong mababang academic performance, ay hindi nakararamdam ng refreshment kapag umaga at natutulog nang lagpas ng hatinggabi, kaya mas malaki ang tsansa nilang magkaroon ng smartphone addiction.

Ang mga resulta ay batay sa pananaliksik na kinasangkutan ng 1,796 adolescents—820 lalaki at 976 babae—na edad 14.9 bilang average.

Ang panganib ng adiksiyon sa kababaihan ay 23.9 na porsiyento, kumpara sa 15.1 porsiyento sa mga lalaki.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nakita rin ang ugnayan ng smartphone addiction at oras ng pagtulog sa gabi, ayon sa pag-aaral. Aabot sa 40.4 na porsiyento ng kabataan, na natutulog lamang ng anim na oras o mas mababa pa, ang mataas ang panganib na makaranas ng adiksiyon kumpara sa 28.3 porsiyento na kabilang sa low-risk group. Ayon sa mga napabilang sa high risk group, hindi umano sila nakakaramdam ng refreshment sa umaga at ilang oras ang gugugulin bago sila makatulog.

“The quality of sleep in adolescence affects growth, emotional stability and learning skills,” lahad sa pag-aaral. “Therefore, the management of smartphone addiction seems to be essential for proper sleeping habits. There is a critical need to develop a means of preventing smartphone addiction on a social level.”

PNA