ANG pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip ng isang tao ay isang dahilan din para mas malaki ang posibilidad na mabiktima ito ng krimen, napag-alaman sa bagong pag-aaral.
Batay sa datos na nakalap sa Denmark, sa mahigit dalawang milyong katao sa bansa ay nadiskubre na sa loob ng sampung taon simula nang ma-diagnose na mayroong psychiatric disorder, iniulat na tumaas sa 50 porsiyento ang panganib na maging biktima ng krimen ang kalalakihan.
Para sa naman sa kababaihan, umakyat ang panganib sa 64 na porsiyento sa mga may sakit sa pag-iisip, kumpara sa mga walang sakit sa pag-iisip.
Ang pinakamalakas na ugnayan ng mental illness at crime victimization ay nangyari sa mga taong na-diagnose ng abuse disorders at personality disorders, natuklasan ng grupo.
“We hope that the study findings will highlight the importance of the risk of being subjected to crime and violence that people with mental illnesses right across the diagnostic spectrum face,” lahad ng pangunahing awtor na si Kimberlie Dean, associate professor at chairperson ng forensic mental health sa University of New South Wales sa Matraville, Australia.
“We also hope it will motivate more research to improve our understanding of the risk and how to combat it and (help) towards re-balancing public perceptions about mental illness,” pahayag niya sa Reuters Health.
Dahil sa serye ng mass shooting kamakailan, naniniwala ang karamihan na ang mga suspek sa ganitong pamamaril ay mga may sakit sa pag-iisip, ayon kay Dean, at umaasa ang mga mananaliksik na mababago ang stereotype na ito.
“This study confirms what we’ve known for a long time, which is that people with mental illness are more likely to be victims, not perpetrators of crime. Perpetrators choose victims who seem powerless and helpless,” lahad ni Dr. Renee Binder, propesor ng psychiatry at director ng Psychiatry and the Law program sa University of California, San Francisco Medical School.
“(The) notion that mentally ill people pose a danger to others appears to be encrusted like a barnacle on the concept of mental illness submerged in the public mind,” lahad naman ni Jeffrey Swanson, propesor ng psychiatry at behavioral sciences sa Duke University School of Medicine sa Durham, North Carolina.
“If you look at a description of mass shooters you’ll get a picture of a young man who is isolated and alienated and emotionally disturbed and has access to firearms. But this description matches thousands of others who are never going to do this,” pahayag ni Swanson sa Reuters Health nang makapanayam sa telepono.
-Reuters