ANG malalaking isyu, gaya ng pagsasara ng Boracay, mga basura sa Manila Bay, o ang motor-riding criminal ng Davao ay mga re-pleksiyon kung paano umunlad ang kamalayan ng publiko tung-kol sa pagkukunsinti, na kadalasang isinisisi sa kapabayaan ng mga awtoridad.

Ang importanteng aspeto ng pagpapatupad ng kaayusan sa ko-munidad ay dapat na simulan sa obserbasyon ng komunidad at dapat na sapat na impormasyon ang natatanggap ng publiko. Ironically, sa pagtaas ng pagpapahalaga sa kaalaman sa populas-yon, ang lebel ng pangangailan sa pakikialam o pakikihalubilo ng ng publiko hinggil sa mga partikular na isyu na nakaaapekto sa mga tao ay bumababa. Ang kaibahan ay lumilikha ng iba’t iabng impresyon at nagiging sanhi ng paglitaw ng ramification na nagreresulta sa mas maraming problema.

Dahil na rin sa kumpetisyon sa paghahanap ng trabaho at pagkita nang mas malaki at dahil sa kahalagahan ng pag-unlad, naisasan-tabi ang pangangailangang protektahan ang mga komunidad mula sa maliliit na problema. Ito ang dahilan kung bakit ang Bo-racay, sa kabilang ng mga paglabag na nagawa sa mga nakalipas na dekada, ay umunlad pa rin, sa kabila ng pagpapabaya ng mga nagpapatakbo sa isla.

Importanteng aspeto ang atensiyon sa paglikha ng maganda at maayos na kapaligiran, isang well-informed na komunidad, at ang maraming bilang ng populasyon na may pakialam sa nan-gyayari sa paligid.

Habang ang pananaw na ito ay positibo, ang layunin nito, ay umiikot sa ethical at moral na konsiyensiya ng mga humahawak sa kapangyarihan.

Bilang halimbawa, ang sangkatutak na basura na nagpaparumi sa Manila Bay ay nanatili na roon sa loob ng ilang dekada. Kahit na ang problema ay sumasalamin sa walang kakayahan ng mga lo-kal na gobyerno na gamitin ang kanilang mga resources para masolusyunan ang problema, ang mas malaking problema o isyu ay nasa malaking populasyon ng tao na ang pananaw sa kalinisan ay tila ay lumihis na.

Kamakailan, ang hakbang para ipagbawal ang one-use plastic mula sa sirkulasyon ay isinumite sa Senado. Ngunit ang inisyatibo ba ay pinakamagandang solusyon sa isang problema na sinimulan ng mga kapitalista? At kahit na panindigan ng mga nagmamanupaktura ng plastic ang kanilang salita na susupor-tahan ang gobyerno sa lahat ng kanilang makakaya, natugunan ba nito ang katotohanan na ang basura ay repleksyon ng kawalang kamalayan ng publiko sa kapaligiran?

Sa Manila at iba pang mauunlad na siyudad, ang isyu ng pakikia-lam o pagmamatyag ng komunidad, ay ang bagay na lagi na la-mang nababaon sa malalim na putik.

Itinuturing ng mga pulitiko ang publiko bilang mga boto, at ito ang dahilan kung bakit nagkalat ang mga informal settlers sa mga estero, at ang kanilang mga gawain, ay nakakapag-ambag sa lalong paglala ng problema sa basura.

Lagi tayong pinapaalalahanan na tayo ay sakop ng batas. Fine. Ngunit saan magsisimula at magtatapos ang pamamahala?

Kung ang ating mga batas sa pagsasawalang-kibo ay naipapataw lamang sa mahihirap, ano ang positibong pananaw ang maaari nating ibahagi na hihikayat sa publiko na protektahan ang kanilang komunidad mula sa pang-aabuso? Ang mga batas ay laging pumapabor sa mayayaman, isang paraan ng pagsasabi na ang pagmamatyag ay naging mas mahirap dahil sa pagkakaiba ng pagharap sa magkakatulad na usapin.

-Johnny Dayang