Hindi lalabagin ng Philippine National Police (PNP) ang karapatang-pantao ng mga sangkot sa ilegal na droga sa bansa.

Ito ang tiniyak ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde sa Simbahan kasunod ng mas pinaigting na operasyon laban sa ilegal na droga.

Sa pagbisita nito kay Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle, binanggit ni Albayalde na naniniwala sila sa Diyos at ginagawa ng PNP ang lahat upang mapababa ang krimen tungo sa mapayapang komunidad.

Nagpahayag naman ng suporta si Tagle sa kampanya ng pulisya at sinabing isasama niya sa panalangin ang PNP para sa ikatatagumpay ng lahat ng programa nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod kay Albayalde, bumisita rin si Metro Manila police chief, Chief Supt. Guillermo Eleazar at limang district police director nito kay Tagle.

-Fer Taboy