Maituturing na “throwback” ang pahayag ng isang opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA) na sapat na ang P10,000 buwanang gastusin para sa isang pamilyang may limang miyembro.
Katwiran ni Senador Grace Poe, puwede ito kung 15 taon na ang nakalipas at para mapatun ayan ito ng NEDA ay mas mainam na magsagawa ng reality show ang ahensiya, kung saan pagkakasyahin ang nasabing pera sa loob ng isang buwan.
“It is a throwback estimate, meaning it was possible to survive on that amount 15 years ago, before the age of Facebook. Only an economist who has been living under a rock will believe that a family of five can live decently on P334 a day,” ani Poe.
Posible rin aniya itong mangyari kung dadaan ang isang pamilya sa “forced diet” at hindi mag-aaral ang mga anak.
Matatandaang sinabi kamakailan ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na P10,000 bawat buwan lang ang kailangan ng isang pamilyang may limang miyembro.
“Actually, we can, but only if my family will eat only once a day, won’t brush our teeth nor take a bath, walk every day to and from our place of work but avoid perspiring so we won’t wash our clothes,” sarkastiko namang komento ni Senator Panfilo Lacson.
“We can survive with P10 a month as long as we all stop breathing,” dagdag pa ni Lacson.
-Leonel M. Abasola