SAN FRANCISCO (AFP) – Tiniyak ng Google nitong Martes na hindi ito gagamit ng artificial intelligence sa mga armas na magdudulot ng pinsala sa tao, kasabay ng paglatag ng mga prinsipyo para sa mga teknolohiyang ito.

Binanggit ni chief executive Sundar Pichai, sa blog post na naglalahad sa artificial intelligence policies ng kumpanya, na hindi gagamit ang Google ng AI para sa mga armas ngunit patuloy na makakaagapay ng mga gobyerno at militar “in many other areas’’ kabilang na ang cybersecurity, training, at search and rescue.

‘’We recognize that such powerful technology raises equally powerful questions about its use,’’ sinabi ni Pichai sa blog. ‘’As a leader in AI, we feel a deep responsibility to get this right.’’

Iiwas ang Google sa paggamit ng mga teknolohiya ‘’that cause or are likely to cause overall harm,’’ isinulat ni Pichai.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture