Arestado ang dalawang nurse na hinihinalang miyembro ng Maute Group sa checkpoint sa Barangay Tablon, Cagayan de Oro City, inisulat kahapon.

Ayon kay Supt. Lemuel Gonda, tagapagsalita ng Northern Mindanao Police Office, kinilala ang mga suspek na sina Eyadzhemar Abusalam, 26; at Dianne Catherine Palmitos, 25, na sinasabing kasapi ng DAESH/ISIS cell at tagasuporta ng Maute Group. Sila ay nurse sa General Santos City.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang granada at isang cal .45 pistol.

Hawak na ng Northern Mindanao Police Office sina Abusalam at Palmitos na nakatakdang sampahan ng kasong illegal possession of firearms and explosives.

-Fer Taboy

Probinsya

3-anyos na bata, todas sa hampas ng kawayan at inihataw pa sa semento ng sariling lolo!