BIBIGYANG pugay ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga kababaihan sa pamamagitan ng Women’s Sports Congress sa Hunyo 14-15 sa Century Park Hotel.
Magsasama-sama ang mahigit sa 200 na kababaihan buhat sa iba’t ibang sektor gaya ng mga public officials, atleta at mga sports leaders ng bansa upang pasinayaan ang nasabing programa.
Pangungunahan ng kaisa isang PSC commissioner na babae na si Celia Kiram ang nasabing kumperensya na magbabahagi ng kahalagahan ng tema na “Women in Sports” at ang magiging papel ng kababaihan sa Philippine sports.
Magiging panauhing pandangal din si Ineternational Executive Communication coach Gabriela Muellar ng Switzerland upang magbigay ng mensahe ukol sa paksang “Sports for Change”.
Ayon kay Kiram, kamakailan ay naimbitahan sa Australia’s Department of Foreign Affairs and Trade sa ginanap na Women in News and Sports training seminar, na hindi lamang panghihikayat sa mga kababaihan na maging aktibo sa sports kundi matuto na ibahagi ang kaalaman at madinig ang boses ng kababaihan tungo sa pagbabago.
“The PSC not only encourages women to play, but also to speak for change. That is why we are looking forward to gather our women leaders for this event,” ani Kiram.
-Annie Abad