Nagpakita ng mabuting halimbawa sina Senate President Vicente Sotto III, Senator Aquilino Pimentel III, at Senator Panfilo Lacson sa kanilang mga kapwa senador sa kawalan nila ng absent at late sa second regular session ng 17th Congress.

Nakapagtala sina Sotto, Pimetel at Lacson ng malinis at kumpletong attendance sa 79 na session ng Senado simula Hunyo 14, 2017 hanggang Mayo 30, 2018 nang walang bahid ng tardiness, absence at official missions, base sa ulat ng journal service na inilabas nitong Martes ng hapon.

Wala ring absent si Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, ngunit 10 beses siyang nahuli sa plenary session.

Pinuri naman si Sotto dahil sa “punctuality” niya sa Senado simula nang maupo siya bilang Senate president noong Mayo 21, at sinisigurong makapagsisimula ang sesyon eksaktong 3:00 ng hapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasunod nila sa listahan sina Senators Nancy Binay, Riza Hontiveros, Senate Minority Leader Franklin Drilon, at Sen. Gregorio Honasan na pawang may 78 sessions; Sens. Cynthia Villar at Joel Villanueva na may 77; Senadora Grace Poe na may 76 sessions; Sens. Sherwin Gatchalian at Richard Gordon na may 74 at 73.

Samantala, kulelat naman sa listahan sina Senators Francis Pangilinan, 65; Emmanuel “Manny” Pacquiao, 64; at Antonio Trillanes IV na may 52, at kapansin-pansing may pinakamaraming official missions.

Habang wala namang nadaluhang sesyon si Sen. Leila de Lima, na nakakulong ngayon sa Philippine National Police’s Custodial Center sa Camp Crame.

-Vanne Elaine P. Terrazola