NANAWAGAN si Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa mga kwalipikadong retired world boxing champion at mga kaanak na makipag-ugnayan sa ahensya sa madaling panahon upang matanggap ang P3,000 monthy cash incentives na kaloob ng Singwangcha Foundation ng Thailand.

mitra

Ayon kay Mitra, tatlo pa lamang sa 20 kwalipikadong ex-world champion ang personal na nagtungo sa tanggapan ng GAB sa Makati City upang kunin ang kanilang P3,000 monthly allowances.

“We already sent letters, messages in social media. We even call their close relatives just to inform this good news that a Thai philanthropist through his Singwangcha Foundation earmarked P3,000 each to help them augment their financial needs,” pahayag ni Mita.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Talagang malapit itong si Mr. Singwangcha sa mga Pinoy, dahil during his time as boxing promoter, marami siyang naging boxer na Pinoy at bilib siya sa Pinoy boxers,” aniya.

Naselyuhan ang memorandum of agreement (MOA) hingil sa financial assistance ng Singwangcha Foundation at GAB nitong Enero, ngunit nagsimula pa lamang ang pamamahagi nitong Mayo.

Sa kasalukuyan, tanging sina IBF World Flyweight champion Tacy Macalos, IBF World Minimumweight tilist Eric Chavez at dating WBA World Flyweight Joma Gamboa ang personal na nakipag-ugnayan sa GAB at nakakuha ng kanilang assistance.

“Around P60,000 ang incentives na ibinibigay through monthly remittance. Habang buhay ang mga beneficiary, matatanggap nila ito, ayon kay Mitra.

Kabilang sa mga beneficiary batay sa talaan ng GAB sina Bernabe Villacampo (WBA flyweight), Rene Barrientos (WBC super featherweight), Erbito salavarria (WBC flyweight), Ben Villaflor (WBA super featherweight), Rolando Navarette (WBC super featherweight), Frank Cendeno (WBC flyweight), Bobby Berna (IBF super bantamweight), Dodie Boy Penalosa (IBF light flyweight), Rolando Bohol (IBF flyweight), Rolando Pascua (WBC light flyweight), Manny Melchor (IBF minimumweight), Morris East (WBA super lightweight), Luisito Espinosa (WBA bantamweight), Malcolm Tunacao (WBC flyweight), , Gerry Penalosa (WBC superflyweight), Eric Jamili (WBO minimumweight) at Florante Condes (IBF minimumweight).

“The fund is here, hinihintay lang po namin ang ating mga boxers na makipag-ugnayan sa atin. Hopefully, mapalawig pa natin ito dahil lalapit na rin kami sa top 50 corporation para sa dagdag na tulong,” pahayag ni Mitra.