SEOUL – Posibleng bumili ang gobyerno ng Pilipinas ng 10 hanggang 12 Surion utility helicopters mula sa South Korea para palakasin ang military air fleet nito.

Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na maaaring bumili ang gobyerno ng utility helicopters sa South Korea gamit ang pondo mula sa naunsiyaming pagbili ng Bell helicopters mula sa Canada.

“We’re evaluating. Ang Air Force ay mayroong technical working group (para bumili ng helicopter),” ani Esperon sa panayam ng media rito.

“If we bought 16 Bell 412 helicopters, it could be equivalent to 10 to 12 Surion. The Surion helicopter is bigger. It can accommodate 16 passengers while Bell can carry seven,” aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umaasa si Esperon na mai-deliver ang mga helicopter ngayong taon.

Ang KUH-1 Surion helicopter, isang twin-engine transport utility helicopter, ay dinebelop ng Korea Aerospace Industries (KAI). Ginagamit ito sa military at non-military missions simula nang ipakilala sa merkado noong 2013.

Bago lumipad pabalik sa Manila nitong Martes, sinuri ng Pangulo ang ilang defense equipment sa Korean aircraft manufacturer sa kanyang pribadong pagbisita.

-Genalyn D. Kabiling