Inilabas ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga patakaran na dapat sundin ng mga recruiter at employer sa pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs), partikular ang mga kasambahay, sa Kuwait.

Ang guidelines ay nakapaloob sa memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan ng mga gobyerno ng Pilipinas at Kuwait para maprotektahan ang mga karapatan ng OFWs sa Gulf state.

Ilan sa mga probisyon sa memorandum circular ng POEA ay:

Access sa mga legal na tulong, komunikasyon at mekanismo para maayos ang hindi pagkakaunawaan;

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Libreng legal na tulong mula sa mga ahensiya ng gobyerno ng Kuwait at ng Pilipinas;

Karapatang gumamit ng mobile phone o iba pang aparato ng komunikasyon para makipag-ugnayan sa pamilya ng manggagawa at sa mga awtoridad;

Hindi hahawakan ng employer ang anumang personal na dokumento ng domestic worker, kasama na ang pasaporte;

At dapat magpakita ang employer ng katibayan na mayroon itong kapasidad na bayaran ang sahod ng domestic worker.

Sa datos ng POEA, mahigit 100,000 Pilipino ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Kuwait.

-Mina Navarro