Nagsampa kahapon ng umaga ng kasong grave threats si Department of Labor and Employment (DoLE) Undersecretary Jacinto Paras sa Pasay Prosecutor’s Office laban kay Senator Antonio Trillanes IV kaugnay ng umano’y pagbabanta ng huli na papatayin nito ang opisyal.

BANTANG PAGPATAY Kinasuhan ni Labor Usec. Jacinto Paras ng grave threat si Senador Antonio Trillanes IV, dahil sa umano’y banta ng senador na pagpatay sa kanya, sa Pasay City Prosecutor’s Office kahapon.

BANTANG PAGPATAY Kinasuhan ni Labor Usec. Jacinto Paras ng grave threat si Senador Antonio Trillanes IV, dahil sa umano’y banta ng senador na pagpatay sa kanya, sa Pasay City Prosecutor’s Office kahapon.

Sa kanyang affidavit of complaint, inihayag ni Paras na nilabag ni Trillanes ang Paragraph 2, Article 282 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Republic Act 10951 dahil sa pahayag umano ng senador na “yayariin kita”.

Inilabas, aniya, ni Trillanes ang pagbabanta nang kasuhan niya ang senador ng inciting to sedition dahil naman sa komentong may mga tagong-yaman umano si Pangulong Duterte.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ang lakas ng loob mo. Hindi magtatagal ang amo mo. Matatapos din ‘yan. Yayariin kita. Mercenaryo ka. Yayariin kita,” nakasaad sa reklamo ni Paras na sinabi umano ni Trillanes.

Sinabi umano ito ng senador nang sumaksi sina Paras at Health Secretary Francisco Duque III sa paghahalal ng bagong Senate secretary, na dating chief of staff naman ni Paras sa House of Representatives na si Myra Marie Villarica, nitong Mayo 29.

Biglang nilapitan umano ni Trillanes si Paras pagkatapos ng eleksiyon at binitawan ang nasabing pahayag, batay sa pagkakatanda ng opisyal.

Nginitian lamang umano ito ni Paras matapos marinig ang nasabing pahayag ng senador, subalit sinabihan pa umano siya ni Trillanes ng “Tatawa-tawa ka pa. May araw ka rin. Yayariin kita eh.”

-Bella Gamotea