Kasabay ng hiling ng isang labor group kay National Economic Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon na bawiin ang sinabi nitong sapat nang budget sa pagkain para sa bawat pamilyang Pinoy ang P127 kada araw at humingi ng paumanhin sa mahihirap, hinamon din nila ang opisyal na subukang mamuhay nang isang araw sa nasabing kakarampot na halaga.

Ito ang inihayag ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) kahapon, isang araw makaraang sabihin ng opisyal na sapat na ang P10,000 buwanang budget para sa pamilyang may limang miyembro. Na P3,834 lang ang ilalaan sa pagkain, o may budget na P127 kada araw.

“This amount does not reflect the reality of majority of Filipinos who are poor. Why don’t the NEDA officials, including Ms. Edillon, try to live with P127 a day, let’s see if they can survive with this amount,” saad sa pahayag ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP.

Bukod dito, iginiit din ng grupo na dapat na humingi ng paumanhin sa publiko si Edillon kaugnay ng kontrobersiya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“We condemn this argument as inaccurate and a grave mistake. This is an affront to millions of poor Filipinos. We demand that the NEDA retract this out of touch statement and we are demanding that Undersecretary Edillon to apologize in public for insulting all of us with such a very low government standard of living and for taking the dignity of poor Filipino family to the lowest level,” sabi pa ni Tanjusay.

“Government officials particularly the NEDA should immersed themselves in communities before they announce standards and policies. They should be immersed in public wet markets. They should often visit the talipapas and sari-sari stores not just depend on table studies if they want to know the real living conditions being experienced by Filipino families,” wika pa ni Tanjusay.

Ang pamantayan ng pamumuhay para sa isang pamilyang Pilipino na may limang miyembro ay dapat na nasa P1,200 sa isang araw at P400-P600 kada araw ang halaga na dapat gastusin sa pagkain.

-MINA NAVARRO