Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kriminal at mga tiwaling opisyal na umayos kasabay ng pangako niyang magkakaroon ng radikal na mga pagbabago sa mga susunod na araw para tugunan ang ilang mga isyu sa public order and security.
Ito ang ipinahayag ni Duterte sa kanyang arrival statement sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City nitong Miyerkules.
“There will be changes in the coming days including public order and security. There are simply too many crimes and too many -- claiming to be this and that,” ani Duterte sa kanyang talumpati kahapon ng madaling araw.
Sinabi ni Duterte na dapat magsimula nang magpakatino ang mga tao o magkakaroon ng problema.
“Well, remember that there is -- there’s no difference actually between martial law and a declaration of national emergency,” aniya.
“I’m warning all, including the Human Rights, it’s either we behave or we will have a serious problem again,” dugtong niya.
Binanggit ni Duterte ang mga ulat na may mga taong hindi na pumapasok sa trabaho dahil sa takot na makidnap o mapatay. Hindi aniya siya magdadalawang-isip na gamitin ang kanyang kapangyarihan para tugunan ang mga isyung ito.
“Well, somehow, even with this meager emergency power, I will use it to the hilt at put things in order,” aniya.
Sinabi ni Duterte na ang kanyang babala ay para rin sa mga pasaway na ahensiya ng pamahalaan, na pinag-iisipan niyang isailalim sa Office of the President (OP) para personal niyang mapamahalaan.
“Ni-warning ko lang kayong mga kriminal, lahat na. Nasa gobyerno, sa labas. I will make radical changes in the days to come,” aniya.
“For those offices na hindi talaga ma-control, I will place you under the Office of the President. Ako na mismo ang kaharap mo araw-araw,” dugtong niya.
-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS